Tatay:Anak may tanong ako 1+1=___??
Anak:Tay hindi ko po alam…
Tatay:hay naku anak papatayin ka ng kabobohan mo…
Anak:Tay,pag nakakita po kayo ng 500 tsaka 1000 sa daan alin po pupulutin nyo??
Tatay:syempre yung 1000…mas malaki ang halaga non
Anak:hay naku tay papatayin ka ng katangahan mo…pwede naman pulutin yung dalawa
Nagpa piggy back si Gil kay Jin nang bigla syang tumawa.
Jin: Ba’t ka tumatawa?
Gil: Naalala ko lang si Papa. Sinusundan nya si mama noon. Lihim nyang nilagyan ng batong apakan ang batis na tatawiran ni Mama pero lihim din na nakita ito ni mama. Minahal sya ni mama ora mismo!
Jin: Gusto mo gawin ko rin iyon para mahalin mo rin ako?
Gil: Naku ‘wag… kwentong pag ibig ‘yon ng mga magulang ko, maiba ka naman!
teacher: anong hindi? parehas na parehas kayo ng sagot eh!
juan: ma’am, teacher ba tlaga kayo? parehas din naman po ung tanong na binigay niyo eh. malamang iisa lng po ang sagot. isip isip naman po oh! ako napapahiya dito eh.
Boy: bago ako mamatay, may gusto akong aminin. Girl: shhh… Wala ka nang dapat ipag alala pa. Okay na ang lahat.
Boy: hindi. Gusto kong maging mapayapa. Nagkaroon ako ng tatlong kabit. Yung kaibigan mo, ate mo at pinsan mo.
Girl: alam ko gago kaya nga nilason kita. Sige pikit na!!
simbahan
bata at pulis
bata: (humiling) lord bday ko po ngayon sana po bigyan mo ko ng 1000 pambili ng makakain at damit.
pulis: (nakinig) kawawa naman tong bata na ito, bata pag chagaan mo nalang ito (inabot ang 500).
bata: tiningnan ang 500 at sabay dasal ulit, lord salamat po at pinakinggan mo ang hiling pero sa susunod huwag niyo ipadala sa pulis kasi hiningi ko sayo 1000 pero 500 lang ibinigay.
pulis:( loko tong batang to)
Si Juan at pedro ay matalik na magkakaibigan
Isang araw may ginawa silang krimen sa isang grocery at agad inimbestigahan ng mga pulis ayon sa ayon sa mga nakikita namukhaan nila ang dalawang magkakaibigan at agad kinausap ng mga pulis
Pulis:Kayu ba ang nagnakaw sa Grocery kagabi
Juan:(nagbulungan)Umamin na kasi tayu…opo kami po
pedro:(binatukan si juan) bat ka umamin
pulis:at dahil sa ginawa nyo paparusahan namin kayu
Pedro: (nainis) sabi ko sayu wag ka umamun ehh
juan:ano pong parusa namin
Pulis:(kumuha ng dospordos) Hahampasin namin kayu ng dospordos sa likod at ang minimun ng hampas ay hindi lalapas sa sampo
Pedro:(badtrip) sakit nun
juan:wag kana umangal manahimik ka nalang
pulis:at dahil birthday ko bibigyan ko kayu ng dalawang hiling kahit ano basta hindi pwede lang ang hindi paluin
pedro:(nakangiti)
pulis:sinong gustong mauna sa inyo
Pedro:ako ako ako
pulis:sege anong una mong hiling
pedro:hampasin mo ako ng sampung beses
pulis:ano ang pangalawang hiling mo
pedro:Lagyan mo ng dalawang unan ang likod ko
pulis:Hmm masusunod
At Dahil may unan ang likod ni pedro hindi sa gaanong nasaktan.
sumunod si juan
Pedro:(tinawanan si juan)
Pulis:juan ilang palo ang gusto mo
juan:paluin mo ako ng isang daang beses
pedro:Hahah bobo sakit nun ehh
pulis:ano pangalawa mong hiling
juan:itali mo si pedro sa likod ko.
Tatay: Hoy, Boknoy ! Buntis ang anak ko, panagutan mo ito !
Boknoy: May asawa na po ako sir !
Tatay: Eh pano to ? Ha ?
Boknoy: Areglo na lang po. 2M pag boy, 2.5M pag girl
Tatay: Sige, pero pano pag nakunan. GIB HER ANADER CHANS ha?