Sub Categories

Ohh!bat gising ka pa??tanga itulog mo na yan wala ka naman kachat…..ako kasi kagigising lang🤣🤣



Mom: Ashley, why is your brother crying? Not mod aw gave you eat.
Ashley: I gave him mom. I don’t know why still crying.
I was still ripe on him.
Mom: what do you eat?
Ashley: Chili po.

Tatay: Hoy, Boknoy ! Buntis ang anak ko, panagutan mo ito !
Boknoy: May asawa na po ako sir !
Tatay: Eh pano to ? Ha ?
Boknoy: Areglo na lang po. 2M pag boy, 2.5M pag girl
Tatay: Sige, pero pano pag nakunan. GIB HER ANADER CHANS ha?

Dun tayo sa babaeng parang Red Horse,
“Malakas ang Tama pero di Wasak!”


Kapag malapit na pasukan
Girls: Sana tumagal pa ang bakasyon, sana bumagyo lumindol para masira yung school
Boys: Sana po magpasukan na para marami po akong matutunan.
See the difference?

Siya:Pre may 5k ka,pwede pa utang?
Ako: k
K
K
K
K
Ayan na,bayaran mo ha?
Siya:putang *na mo


Juan:Pare ano English ng “bag mo ay bukas”
Pedro:YOUR BAG IS TOMORROW!


Lola: doc sumasakit katawan ko pag-gumigising ako sa umaga.

Doktor:edi gumising ka sa tanghali , ayos ka ba

Swimming pool.

2% water.
3% chlorine.
95% ihi, libag, dura, laway, dumi, sipon at iba pang elemento.

Tanong, maliligo ka pa ba?


Ang ganda sa PICTURE, pero nung nakita sa personal.
WOW ANG GANDA TALAGA SA PICTURE


Sa Carenderia
Boknoy: Miss, magkano kanin ?
Tindera: Sampu isang takal.
Boknoy: Eh, yung tutong ?
Tindera: Libre pag tutong.
Boknoy: Ulam po magkano ?
Tindera: 40 isang order.
Boknoy: Yung sabaw po ?
Tindera: Libre ang sabaw.
Boknoy: Sige po. Bigyan mo ko ng isang tutong at isang sabaw.

Dota Boy Na Basted
Dota Boy: Wala kabang gusto sakin?
Girl: wala.
DotaBoy: ouch. (Napaiyak ang boy)
FIRST BLOOD!
Girl: Oh bakit ka umiyak?
Dota Boy: wala ka kasi gusto sakin eh.
Girl: Hindi mo naman kasi natanung kung mahal kita.
Dota Boy: mahal mo ba ako?
Girl: Hindi rin.
DOUBLE KILL!
Dota Boy: wala naba akong pagasa?
Girl: wala
KILLING SPREE!
Dota Boy: Ang sakit mo naman mag salita.
Girl: My boyfriend na kasi ako.
DOMINATING!
Dota Boy: Sinu ba boyfriend mo?
Girl: Bestfriend mo.
M-M-M-M-MONSTER KILL


“Importansya”

Boy: Mahal?
Girl: oh poblema
Boy: grabe naman mahal.
Girl: ano nga? istorbo ka e.
Boy: Sige. bye.
Girl: anong bye? raulo ka ha!
Boy: oo ako naman palagi mahal e.
Girl: bakla ka ba? ang drama mo letye ka. Wag kana mag chachat ha! bwiset! istorbo ka talaga sa buhay ko.
Boy: *Seen*
*After 2 days*
Aba talagang di na nagchat yung gago na yun ah.
Girl: hoy?
Boy: *seen*
Girl: aba tibay marunong kana mang seen ha!
Boy: bakit ba kasi?
Girl: anong bakit? bat di kana nagchachat ha?
Boy: diba sabi mo wag na ko magchachat?
Girl: wala yon joke lang yon. chat mo na ko miss na kita mahal. sorry na.
Boy: ah okay.
Girl: yan lang ba sasabihin mo?
Boy: ano gusto mo sabihin ko?
Girl: iloveyou mahalko.
Boy: salamat.
Girl: Mahal naman wag mo naman akong ganyanin. masakit e. sorry na.
Boy: mahal? ako pa ba yung may mali dito? ako pa? mahal lahat tinitiis ko para lang maging masaya ka. Ang sakit lang kasi nagagawa mo kong mapagsabihan ng masasakit na salita. Mahal napapagod din ako tao rin naman ako. Sobrang sama ng loob ko sayo alam mo ba yun? diko magawang mapagsalitaan ka kasi mahal kita, mahal na mahal. Mahal ayoko na. sawa na ko mag intindi sayo palagi mo na lang ako ginaganito. Ilang beses mo na rin ako niloko. Di ko na kaya sorry. Ayoko na.
Girl: nakikipag break kana ba? mahal wala namang ganyanan oh. kala ko ba mahal moko?
Boy: mahal kita alam mo yan. Madami na kong sinakripisyo sa relasyon nato. Siguro panahon naman na para sarili ko naman yung intindihin ko. Salamat sa lahat. Di kita makakalimutan madami akong natutunan sayo. Bye.
Lesson Learn: Hindi porket mahal ka ng isang tao di mo na sya rerespetuhin lahat ng tao napapagod. Hanggat may pagkakataon ka mahalin mo sya ng buong buo. Magpasalamat ka kasi kahit ganyan pag uugali mo nagagawa ka parin nyang intindihin.

Tito: Nak, pakikuha nga ako ng buko salad sa ref.
Ako: Ah ok po, tito.
Tito: Siya nga pala, saan ka nga nag aaral?
Ako: Sa UP po, tito.
Tito: Ano kinukuha mo?
Ako: Yung buko salad po.

Kumain ka ng sitaw,,, para matuto kang bumitaw,,,, sa taung ang mahal ayy hnd ikw.😔😔