Noong unang panahon ng likhain ng Diyos ang mundo binigyan nya ng pangalan ang lahat ng hayop, kulisap (insects) at ibat ibang nilalang.
DIYOS: Ikaw ang tatawagin kong LEON (Lion) dahil sa iyong lakas at talino ikaw ang maghahari ng kagubatan!!!
LEON: (Tuwang tuwa) GROWWWWWLLLLLL!!!!!!!GROWLLLLL!!!!!!
DIYOS: Ikaw ang tatawagin kong Elepante dahil sa tikas mong taglay at lakas titingalain ka ng mga kasama mong hayop at gagalangin ka!!!!
ELEPANTE: (Tuwang tuwa) WEEAEHERREEEEEE!!!!WEAHEEEEE!!! (trumpet)
(At binigyan nya lahat ng pangalan ang mga hayop at ibang kulisap maliban sa tao at langgam)
DIYOS: Aha!!! ikaw ang tatawagin kong TAO, dahil sa isip mong taglay, at talino paghaharian mo ang lahat ng mga hayop sa lupa, sa tubig at himpapawid!!!
TAO: Maraming Salamat po Panginoon!!!
DIYOS: Yaman din lamang na nabigyan ko na kayo ng pangalan, aalis muna ako!!
LANGGAM: (napakaliit ng boses) sandali lang po, paano po ako wala pa po akong pangalan!!!
DIYOS: Ayyy!! sorry, nalimutan kita “Maski ikaw ay napakaliit bibigyan kita ng napakalking kapangyarihan, ang TAO ang maghahari sa kanilang lahat, subalit
pag kinagat mo ang TAO siya ay mamamatay!!!
LANGGAM: (Yumabang tiningnan lahat ang mga hayop na natulala sa kapangyarihan nya) “”ANO PO ULIT ANG KAPANGYARIHAN KO???”
DIYOS: “Lahat ng tao na kakagatin mo MAMAMATAY””
LANGGAM: (Lalong yumabang) ” Ano po ulit, di ko narinig”
DIYOS: “Lahat ng kakagatin mo MAMAMATAY!!!!
LANGGAM: Ano po lakasan nyo po”
DIYOS: (Napikon sa yabang ng langgam) “Lahat ng kakagatin mo Titirisin ka hanggang sa mamatay ka!”
Boy:ano course mo.??
Girl: Nursing, kaw?
Boy: Bachelor of falling inlove, major in
you.
Girl: Ah.. balak ko ngang mag shift eh,
yung BSBK major in WKC.
Boy: (naguluhan) ano yun?
Girl: Bachelor Of Sorry In Basted Ka, Wala
Kang Chance.
Boy: Ako nga rin eh, Magshi’shift ng
BKMFM major in KI.
Girl: Ano yon?
Boy: Bachelor of Kapal ng Mukha Feeling
Maganda, major in Kabayo naman ang
Itsura.😂😂
Boy: Mahal?
Girl: oh poblema
Boy: grabe naman mahal.
Girl: ano nga? istorbo ka e.
Boy: Sige. bye.
Girl: anong bye? raulo ka ha!
Boy: oo ako naman palagi mahal e.
Girl: bakla ka ba? ang drama mo letye ka. Wag kana mag chachat ha! bwiset! istorbo ka talaga sa buhay ko.
Boy: *Seen*
*After 2 days*
Aba talagang di na nagchat yung gago na yun ah.
Girl: hoy?
Boy: *seen*
Girl: aba tibay marunong kana mang seen ha!
Boy: bakit ba kasi?
Girl: anong bakit? bat di kana nagchachat ha?
Boy: diba sabi mo wag na ko magchachat?
Girl: wala yon joke lang yon. chat mo na ko miss na kita mahal. sorry na.
Boy: ah okay.
Girl: yan lang ba sasabihin mo?
Boy: ano gusto mo sabihin ko?
Girl: iloveyou mahalko.
Boy: salamat.
Girl: Mahal naman wag mo naman akong ganyanin. masakit e. sorry na.
Boy: mahal? ako pa ba yung may mali dito? ako pa? mahal lahat tinitiis ko para lang maging masaya ka. Ang sakit lang kasi nagagawa mo kong mapagsabihan ng masasakit na salita. Mahal napapagod din ako tao rin naman ako. Sobrang sama ng loob ko sayo alam mo ba yun? diko magawang mapagsalitaan ka kasi mahal kita, mahal na mahal. Mahal ayoko na. sawa na ko mag intindi sayo palagi mo na lang ako ginaganito. Ilang beses mo na rin ako niloko. Di ko na kaya sorry. Ayoko na.
Girl: nakikipag break kana ba? mahal wala namang ganyanan oh. kala ko ba mahal moko?
Boy: mahal kita alam mo yan. Madami na kong sinakripisyo sa relasyon nato. Siguro panahon naman na para sarili ko naman yung intindihin ko. Salamat sa lahat. Di kita makakalimutan madami akong natutunan sayo. Bye.
Lesson Learn: Hindi porket mahal ka ng isang tao di mo na sya rerespetuhin lahat ng tao napapagod. Hanggat may pagkakataon ka mahalin mo sya ng buong buo. Magpasalamat ka kasi kahit ganyan pag uugali mo nagagawa ka parin nyang intindihin.
May isang bus… At sa paghinto ng bus nagsibabaan na ang mga pasahero. Syempre nakatingin yung driver sa Rare Mirror.. May nakita syang isang babaeng naiwan… Bigla syang napapreno ng malakas… Pagtingin nya ulit sa salamin nawala yung babae.. Nagpatuloy sya sa pag-andar.. Pag tingin nya ulit sa salamin nandun naman yung babae at nakatingin ito sa kanya… Natatakot na yung driver. Kaya napapreno ulit ito… Muli syang tumingin at nawala ito…. Bago sya magpatuloy sa pag mamaneho. Nanalangin sya ng taimtim at pinasalangit ang kanyang kaligtasan…. Habang nagmamaneho… Napatingin sya ulit sa salamin.. At nakita nyang nandun nanaman ang babae…. Napapreno ulit sya ng malakas.. Nanginginig at takot na takot na sya….. Maya maya. May humawak sa kanya…. Puro pasa ang mukha ng kanyang nakita at sinabi sa kanyang…..
Babae: Manong para napo.. Baba na ako.. Kanina pa kasi ako nasusubsob kakapreno nyo ng malakas masakit na ulo ko..