Nandun na ko sa punto ng buhay ko na kung may aalis okay lang,
kung may mag-i-stay, okay lang.
Leave me? Fine.
Stay? Fine.
Sub Categories
Masakit magmahal sa taong may minamahal nang iba…….
masakit makita na may iba siyang kasama na…
Tito: Nak, pakikuha nga ako ng buko salad sa ref.
Ako: Ah ok po, tito.
Tito: Siya nga pala, saan ka nga nag aaral?
Ako: Sa UP po, tito.
Tito: Ano kinukuha mo?
Ako: Yung buko salad po.
Ang kamote ba ay fruit o vegetable? Esep esep! Ano sagot? Fruit siya kasi ‘pag kumain ka ng kamote at nautot ka sabi ng utot mo, “Fruut!”
Police: ano pangalan mo?
Boy: MP sir.
Police: anong MP?
Boy: Matthias Paul sir.
Police: San nakatira ?
Boy: MP sir?
Police: Anong MP?
Boy: Mountain Province po.
Police: skills?
Boy: solving MP sir.
Police: (naiinis na) ano nanamang MP?
Boy: Math problems sir.
Police: Bakit ka nagaapply ng trabaho dito?
Boy: MP sir.
Police: (galit na) anong MP?!!
Boy: Money Problems sir.
Police: okay thank you.
Boy: Sir kamusta ang MP ko?
Police: Ha? ano nanaman yan?
Boy: My Performance sir?
Police: sa tingin ko may MP ka!
Boy: ano yun sir?
Police: Mental Problem!!!
Dalawang lasing ang naguusap sa isang bar sa makati…
Lasing1:Uy pare,ang gwapo mo!
Lasing2: Pare ikaw din.!
At malakas na halakhak ang lumabas sa bibig ng 2 lasing Bwahahaha!
Lasing1: Ang birthday ko,Feb. 28, 1985,ikaw pare kailan birthday mo?
Lasing2: Aba! Feb 28 din ako,at 1985 din yung birth year ko!
Lasing 1 at 2:Bwahahaha!
Lasing2: Pare,nagtapos ako ng high school sa Manuel A. Roxas High School.ikaw pare?
Lasing1: Ha? Akalain mong dun din ako nagtapos! Eh ang name ng tatay ko ay Rod at ang ang nanay ko si Leny. wag mong sabihin na yun din name ng parents mo?
Lasing2: Pare,yun din pangalan nila!,..Ang apelyido ko Dutredo, sa’yo
Lasing1: Dutredo din pare,pareho tayo! Bwahahaha!
(narinig sila ng bartender at binulungan nya ang katabi nya)
Bartender: Tol’, Yung kambal na Dutredo lasing na naman ..
Para di mabigla ang isang tao,ito ang tamang paraan ng paghahatid ng masamang balita..
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw….
‘Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, ‘yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo.’
‘O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano’t napatawag ka? May problema ba?
‘Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot.’
‘Yung parrot kong si Pikoy, patay? ‘Yung nanalo sa bird show?’
‘Opo, Master Carlos, ‘yun na nga po.’
‘Putris … sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong ‘yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?’
‘E, kumain po kasi ng bulok na karne….’
‘Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?’
‘W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo.’
‘Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr.
Arnaldo?’
‘E, ‘yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig.’
‘Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg? ‘
”Yun pong pinampatay namin ng sunog.’
‘Diyos ko po! Anong sunog naman ‘yang
pinagsasasabi mo?’
‘Yun pong halos tumupok sa bahay niyo…. Tumumba po ‘yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab ‘yung kurtina at
mabilis na kumalat ang apoy….’
‘Ano? Puuut…. E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan ‘yung kandila?’
‘Para sa burol po.’
‘Ano? Kaninong burol?
‘Sa nanay n’yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu’ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw
“DISGRASYA”
Sa presinto habang kinakausap ng hepe ang driver na si juan tungkol sa naganap na aksidente..
Hepe : paano mo nagawang maka disgrasya ng higit 50 ka tao?
Juan : ganito kase sir, nagmamaneho ako ng kotse at sobrang bilis. Sinubukan ko ang preno pero hindi na gumagana
Hepe : o tapos anong nangyare?
Juan : kung ikaw ang nasa sitwasyon ko sir. Sa kaliwa may dalawang tao, at sa kanan naman may kasalan at mga bisita. Alin ang sasagasaan mo?
Hepe : syempre yung dalawang tao para bawas pinsala.
Juan : yun ang nasa isip ko, ginawa ko nga yun. Dun ako sa dalawa dumiretso pero isa lang ang nasagasaan ko. Tumakbo yung isa sa kasalan kaya sinundan ko na..
Si juan naglalakad pauwi nang makasalubong niya ang kumpare na si Pedro..
Pedro: Juan, Bakit hindi ka inabot ng isang linggo kina pare?
Juan: 1st day ko dun, natalo ang manok niya sa sabong, tinola ang ulam namin.
2nd day, pinatay ang baboy, lechon ang ulam namin.
3rd day, pinatay ang kambing, kaldereta ang ulam namin.
4th day namatay ang lolo ni pare, kaya umuwi na agad ako..
Nag kita si pedro at ang guro.
Teacher: pedro bakit mo nilalawayan yang ulo mo ?
Pedro: ma’am ayaw ko pong pumasok .
Teacher: bakit kailangang lawayan mo pa ?
Pedro: kasi ma’am narinig ko po sabi ni ate sa
boyfriend niya basain ang ulo kung ayaw pumasok
Ang ganda sa PICTURE, pero nung nakita sa personal.
WOW ANG GANDA TALAGA SA PICTURE
NANAY,TATAY gusto ko tinapay
ATE,KUYA gusto ko kape
LAHAT ng gusto ko ay di AKO gusto
Guro: class magbigay ng halimbwa ng mga salitang Pandiwa na GINAWA, GINAGAWA at GAGAWIN pa lang
Ikaw Juan.
Juan: mam upo, umuupo at uupo
Guro: very good, ibang halimbawa ikw pedro
Pedro: mam laba, naglalaba hndi n makalaba kase ninakaw ang plangana!
Guro: anung klaseng halimbwa yon? ikw nga juan bigyan mo sya ng ibang hlimbwa.
Juan: walis nagwawalis, magwawalis
Guro: yun ang tama kya ikaw pedro, ULiT!
Pedro: lumangoy, lumalangoy hndi na makalangoy kc hinila ng shokoy!
Guro: bwisit kang bata ka ! eh pano kung walang shokoy?
Juan: lumangoy, lumalangoy makakalangoy na kasi wala ng shokoy!
Tandaan!
“Players only love you when they’re playing.”
means!!!
mahal ka lang nila pag wala na silang mapaglaruang iba…
Ang Puso Ay Ginagamit Para Sa Taong Mahal Mo at sa mga Taong Malalapit Sayo..
Ang Isip Ginagamit naman ito para Sa sarili mo..
Saktan mo man ako
Itanggi mo man ako sa maraming tao
O iwanan mo man ako…
Paki ko bat ikaw lang ba yung taong kamahal mahal sa Mundo…
Tandaan Mo..
ito lang ang sasabihin ko sayo..
yung mga pinaranas mo sakin noon
diko ipaparanas sa taong mamahalin ko ngayon