“Nasa huli ang pagsisisi”
(sad story)

Maria: Babe my sasabihin ako sayo
Boknoy: Ako din.
Maria: Ha? Sige mauna ka na ano ba sasabihin mo?
Boknoy: I’M SORRY
Maria: For What?
Boknoy: May iba na ako niloloko kita 2months na.
Maria: (tahimik)
Boy: I’M SORRY Babe, patawarin mo sana ako. Please set me free
Maria: (umiiyak) Ganun ba? Mahal mo ba siya??
Boknoy: Oo.
Maria: Ok. Pinapalaya na kita.
-Tumakbo palayo si Maria kay Boknoy at hindi na niya nasabi ang gusto niyang sabihin. Pagkalipas ng mga araw, mas pinili ni Maria na wag nang magpakita kay Boknoy.

“Dear Diary, ganito pala ang pakiramdam kapag pinapalaya mo ang tao na sobra mong minahal. Diko tuloy nasabi sa kanya. Sana maging masaya sya.”

-1Month Later sa isang Mall nagkasalubong si Maria at Boknoy kasama ang kanyang Girlfriend.
Boknoy: Kumusta ka?
Maria: Ok lang.
Boknoy: You look pale.pumayat ka. By the way, Gf ko.
GF: Hi? Attend ka sa kasal namin ha.
Maria: Hello. Sige attend ako.
– At nagmadaling umalis si Maria. At dina nilingon si Boknoy. Pag karating ng bahay niya, Diary agad. Hinanap.

“Dear Diary, Nakita ko siya Kanina. Masakit pala pagnakita mo yung dating Mahal mo na masaya kasama yung taong mas minahal nya. Kailangan kung maging malakas at matatag, alam kong kaya ko to”.

-Wedding day. Pagkatapos magsulat ni Maria sa kanyang diary agad niyang nilagay ito sa kanyang bag. Si Boknoy naman ay papunta na sa Church. Habang Minamaneho ang sasakyan nito, di niya napansin ang babaeng dumaan sa kalsada dahil sa excitement niyang makarating ng Church. Napabilis nito ang pagtakbo at nabangga ang Babae. Bumaba si Boknoy at tinignan ang babae. Nagulat si Boknoy ng napansin ang babaeng nabangga niya, si Maria. Dinala ni Boknoy sa Ospital si Maria. Nag-aalala na si Boknoy habang hinihintay ang doctor. At nung lumabas na ang doctor.
Boknoy: Doc kamustaa po siya?
Dr: Sorry ginawa namin lahat ngunit di kinaya ng babae pati narin ang sanggol na nasa sinapupun niya.
-Na shocked si Boknoy. Di niya inasahan na buntis si Maria. Tahimik at nagmamadaling umalis si Boknoy at tinungo ang kanyang sasakyan. Nakita niya ang bag ni Maria, binuksan niya ito at napansin niya ang isang diary. Binuklat at binasa niya ang huling sinulat ni Maria.

“Running 4Months kana Baby papunta ako ngayon sa Church. Ikakasal ngayon ang daddy mo. Ito na yung huling makikita ko siya kasi ikakasal na siya sa taong mahal niya. Pero hindi ka iiwan ni mommy baby kahit wala si Daddy.”


Related Posts

One thought on “Nasa huli ang pagsisisi”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *