May Tanga na pumasok sa Appliance Store…
Tanga: Miss gusto ko bilhin yang TV.
Saleslady: Sorry hindi ako nagbibinta sa tanga.
Nagtaka ang tanga kung paano nalaman na tanga siya
(Kinabukasan bumalik ang tanga nagsuot ng salamin, kurbata, longsleeves, slacks at nagdala ng laptop)
Tanga: Miss gusto ko bilhin yang TV.
Saleslady: Hindi nga ako nagbibinta sa tanga.
Tanga: Paano mo ba nalalaman na tanga ako?
Saleslady: Microwave kasi yan!