“Hugoterong Bata”
Anak: Nay? (Nakaharap sa libro)
Nanay: Yes anak? (Habang Nagtutupi)
Anak: Buti pa po kayo isang tawag lang sumasagot na po kayo samantalang siya text o tawag hindi man lang niya masagot minsan kinkansel pa niya.
Nanay: (Napataas ang Kilay) Bakit kayo ba?
Anak: Oo nga pala, hindi nga pala kami para manumbat sakanya, wala nga pala akong karapatan magreklamo.😑😑
Nanay: Mag aral ka na nga lang (Medyo inis na)
Anak: Oo nay,
Nanay: Buti naman.
Anak: Pinag aaralan ko naman na siyang kalimutan, pero ang hirap parin.
Nanay: KAW NA BATA KA HINDI KA PA BA TITIGIL SA KAKAHUGOT MO? BAKA GUSTO MO IPAKAIN KO NG BUO YANG LIBRONG HAWAK MO NANG DUMUBLE YANG SAKIT NA NARARAMDAMAN MO, KE-BATA BATA EH!NI HINDI MO PA NGA ALAM MAGTUPI NG MGA DAMIT MO O GUSTO MO IKAW ANG TUPIIN KO!!!
Anak: Sabi ko nga Nay mag aaral na lang ako, magbabasa na lang ako ng libro hindi na po kita iistorbohin.