Noong unang panahon ng likhain ng Diyos ang mundo binigyan nya ng pangalan ang lahat ng hayop, kulisap (insects) at ibat ibang nilalang.
DIYOS: Ikaw ang tatawagin kong LEON (Lion) dahil sa iyong lakas at talino ikaw ang maghahari ng kagubatan!!!
LEON: (Tuwang tuwa) GROWWWWWLLLLLL!!!!!!!GROWLLLLL!!!!!!
DIYOS: Ikaw ang tatawagin kong Elepante dahil sa tikas mong taglay at lakas titingalain ka ng mga kasama mong hayop at gagalangin ka!!!!
ELEPANTE: (Tuwang tuwa) WEEAEHERREEEEEE!!!!WEAHEEEEE!!! (trumpet)
(At binigyan nya lahat ng pangalan ang mga hayop at ibang kulisap maliban sa tao at langgam)
DIYOS: Aha!!! ikaw ang tatawagin kong TAO, dahil sa isip mong taglay, at talino paghaharian mo ang lahat ng mga hayop sa lupa, sa tubig at himpapawid!!!
TAO: Maraming Salamat po Panginoon!!!
DIYOS: Yaman din lamang na nabigyan ko na kayo ng pangalan, aalis muna ako!!
LANGGAM: (napakaliit ng boses) sandali lang po, paano po ako wala pa po akong pangalan!!!
DIYOS: Ayyy!! sorry, nalimutan kita “Maski ikaw ay napakaliit bibigyan kita ng napakalking kapangyarihan, ang TAO ang maghahari sa kanilang lahat, subalit
pag kinagat mo ang TAO siya ay mamamatay!!!
LANGGAM: (Yumabang tiningnan lahat ang mga hayop na natulala sa kapangyarihan nya) “”ANO PO ULIT ANG KAPANGYARIHAN KO???”
DIYOS: “Lahat ng tao na kakagatin mo MAMAMATAY””
LANGGAM: (Lalong yumabang) ” Ano po ulit, di ko narinig”
DIYOS: “Lahat ng kakagatin mo MAMAMATAY!!!!
LANGGAM: Ano po lakasan nyo po”
DIYOS: (Napikon sa yabang ng langgam) “Lahat ng kakagatin mo Titirisin ka hanggang sa mamatay ka!”