Isang araw, maaalala mo ako na nagmahal sayo ng sobra sobra na halos makalimutan ng mahalin ang sarili. Maaalala mo ako pagka gising mo, pagkakain mo, at bago ka matulog. Ako yung magiging pinaka masamang panaginip mo. Ikaw ang iiyak at ako ay masaya kasama ng iba.
Isang araw, pagsisisihan mo na hinayaan mo akong mawala. Hinayaan mong mawala ang isang tao na handang gawin ang lahat para sayo. Hinayaan mo akong mawala na laging anjan para sayo sa mga panahong walang taong anjan sa tabi mo. Nawala ako dahil sa taas ng pride mo. Hinayaan mong mawala yung taong kahit anong sabihin mo sa kanya e lagi parin syang nanjan para sayo. Hinayaan mong mawala yung taong umiintindi sayo kapag kailangan ka nya kahit na wala ka.
Isang araw, maiisip mo na ako pala yung dapat para sayo. Yung taong nananatili sa tabi mo kahit hindi mo naaappreciate lahat ng ginagawa ko. Yung taong pinili mong umalis dahil jan sa pride mo. Isang araw, maiisip mo na yung taong niloko mo at ipinagpalit mo, ay yung taong patuloy kang ipinaglalaban at ipinagtatanggol kapag may naririnig syang masasamang sinasabe about sayo.
Isang araw, makikita mo akong masaya at kuntento sa buhay simula ng iniwan mo ako. At magpapa salamat ako sayo dahil pinalaya mo ako at pina realize mo sakin na may mas karapat dapat na tao na handang gawin ang lahat para sa akin mapasaya lang ako. At makakatingin na ako sa mga mata mo ng walang anuman na nararamdaman.
Isang araw, makikita mo ako at mararamdaman mo na parang sinasaksak yang puso mo ng isang milyong beses dahil pinalaya mo ako. At kapag dumating yung araw na yun, kahit anong gawin mo, kahit ano pang sabihin mo, wala na itong silbi dahil tapos na akong iparamdam kung gaano kita kamahal at hintayin na mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal ko sayo.